KANDIDATONG RADIO COMMENTATOR, ITINUMBA

PATAY ang isang hard hitting radio commentator makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Brgy. New Carmen sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Si Jaynard Angeles, 36-anyos, ng Barangay Matiompong, Lambayong, Sultan Kudarat, dating station manager ng Radyo ni Juan FM station, ay kumakandidato para sa isang local position sa bayan ng Lambayong.

Ayon sa ulat ng Soccsksargen Police Regional Office, si Angeles ay binaril nang malapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Park Sampaguita sa Brgy. New Carmen sa gitna ng pinaiiral na total gun ban ng Commission on Elections.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, inaabangan ni Angeles ang

kanyang kotse sa harap ng Falle Auto Repair Shop sa Purok Sampaguita, Barangay New Carmen nang dikitan ng riding in tandem gunmen at binaril sa close range.

Ayon sa Tacurong City Police Station, kasalukuyang nang inaalam ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

May mga lead na umanong sinusundan ang mga awtoridad ayon kay, Police Brig. Gen. Alexander Tagum, PRO-12 Director. (JESSE KABEL)

219

Related posts

Leave a Comment