KYRIE PUMUTOK NG 60-PT vs MAGIC

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

SINASAMANTALA ni Kyrie Irving ang mga pagkakataong nakakapaglaro siya at sa tuwing sasalang, todo-kayod.

Nitong Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila) sa Amway Center sa Florida, nagpasabog si Irving ng career-high 60 points at pinangunahan ang Brooklyn Nets sa 150-108 win kontra Orlando Magic. Nagtala siya ng franchise record, kasunod ng 53-point performance ni Kevin Durant noong Linggo.

Sina Irving at Durant ang first teammates sa NBA history na ­naglista ng 50-point games sa magkasunod na laro.

Ang scoring outburst ni Irving ay ika-16 50-point game ngayong season. Walo rito nangyari sa nakalipas na 15 araw, pinakahuli ang 60-point output ni Minnesota Timberwolves star Karl-Anthony Towns nitong Lunes ng gabi. Mula noong 1962, ngayon lamang naulit ang magkasunod na 60-point game sa NBA.

“As you see across the league, guys are just putting up crazy numbers,” komento ni Irving via Yes Network. “But when you have two guys on the same team competing like that, friendly

competition, brotherly competition, of course we talk about it but we want to be savants at it. We don’t use that word lightly.”

“It’s a testament to the way that we’ve been gelling as a team,” dagdag niya.

Forty-one ng 60 points ni Irving inilista sa first half, kung saan kumamada siya ng 14-of-19 sa field at 6-of-7 beyond the arc.

Habang nagpipiyesta si Irving, umabot sa 30 puntos ang kalamangan ng Nets at naging franchise record ito bilang most points sa half.

Kinapos lang si Irving ng isa para pantayan ang league record ni Kobe Bryant na 42 points sa first half.

Madaling narating ni Irving ang 50-point mark sa third quarter nang sagasain ang trapik para sa layup laban kay Wendell Carter Jr.

At nai-shoot ang ika-60 via crossover 3-pointer sa kalagitnaan ng fourth quarter, dahilan para magdiwang ang team.

Iniwan ni Irving ang laro matapos humirit ng long 3-pointer, 8:33 sa laro at abante ang Brooklyn, 128-94.

Nagdagdag si Durant ng 19 points sa Nets para sa 42-point win. Tumapos naman si Patty Mills na may 15 off the bench.

Noong nakaraang Martes, umiskor din si Irving ng 50 points sa panalo ng Nets kontra Charlotte, 132-121. Ang huli niyang career high 57 points sa Cleveland laban sa San Antonio noong Marso 3, 2015.

Nananatiling unvaccinated laban sa COVID-19 si Irving, kaya hindi nakalalaro para sa Nets sa Barclays Center bunga ng New York City mandate.
Si Irving ay may apat na regular-season games na lang ngayong season.

PELICANS SINILABAN
NG SUNS

KUMOLEKTA si Devin Booker ng 27 points at eight assists sa 30 minutes, bago siya pinagpahinga ni Phoenix coach Monty Williams, nang talunin ng Suns ang New Orleans Pelicans, 131-115.

Si Mikal Bridges, 4-of-5 (from deep) ay umiskor ng 20 para sa Suns, may accurate shooting at sinamantala ang bawat error ng Pelicans tungo sa ikaapat na ­sunod na panalo sa limang laro, sa kabila ng patuloy na hindi paglalaro ni star guard Chris Paul sanhi ng fractured right thumb.

Ang Suns ay 18-of-34 (53%) mula sa 3-point range at nagawang mai-convert ang 17 ng Pelicans turnover sa 33 puntos.

Si reserve center JaVale McGee ay nag-ambag ng 19 puntos at si Deandre Ayton, 18 para sa Phoenix, may 55% shot (49-of-89) overall.

Umiskor si Herb Jones ng 22 sa Pelicans, nakakalimang talo sa anim na laro, sa pagtatangkang makahirit ng final play-in spot sa Western Conference. Nagdagdag si CJ McCollum, nawala ng dalawang laro sanhi ng health and safety protocols, ng 21 points pero may limang turnover, habang si Jonas Valanciunas ay may 17 points at 12 rebounds.

Aabante na sana ang Pelicans mula sa 75-74 count sa kalagitnaan ng third quarter, ­subalit ­nagkomit ng turnover, na sinamantala ng Suns para ­tuluyang angkinin ang abante, mula sa layup ni ­Ayton at tres ni Cameron Payne.

GRIZZLIES PANALO
SA PACERS

NAHABLOT ng Memphis ­Grizzlies ang ikaapat na sunod nitong panalo nang talunin ang Indiana Pacers, 135-102, sa ­Indianapolis.

Umiskor si Desmond Bane ng 21 points, kasunod si Jaren Jackson Jr., 19 points at eight rebounds para sa Grizzlies, lumamang hanggang 43 points sa kabila nang pagliban ni star guard Ja Morant (back sore­ness).

Tumulong din si De’Anthony Melton, 18 points, habang si Steven Adams, 13 points at 13 rebounds. Nag-ambag si Brandon Clarke ng 13 points at tig-11 at 10 puntos sina Ziaire Williams at Dillon Brooks.

Nanguna sa Pacers si Jalen Smith, 15 points. Tig-14 puntos sina Buddy Hield at Terry Taylor at si Duane washington Jr., 13 points. Habang ang nagbalik na si Malcolm Brogdon, 12 points at five assists ang kontribusyon.

Samantala, tinalo ng Miami Heat ang Detroit Pistons, 105-98, para kumpletuhin ang apat na NBA games.

184

Related posts

Leave a Comment