UMAATIKABONG aksyon ang matutunghayan sa quadruple-header na pagbabalik ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament, ngayon sa SM Mall of Asia Arena.
Agad sasalang ang defending champion Ateneo de Manila University Blue Eagles ni SJ Belangel at University of the Philippine Fighting Maroons ni Ricci Rivero sa alas-4 ng hapon.
Matatandaang noong Season 82 noong 2019 ay nakamit ng Blue Eagles ang kanilang three-peat championship, habang kinapos na makasampa sa finals ang Fighting Maroons na nagkasya sa ikatlong pwesto.
Ngunit bago ito, unang didribol ang FEU Tamaraws ni L-Jay Gonzales at UST Growling Tigers ni Sherwin Concepcion sa alas-10 ng umaga.
Susundan agad ito ng tapatan ng Adamson Soaring Falcons ni Jerom Lastimosa at NU Bulldogs ni Shaun Ildefonso sa ala-1 ng tanghali.
At main game ang host DLSU Green Archers ni Justine Baltazar kontra UE Red Warriors ni Harvey Pagsanjan sa alas-7 ng gabi. (ANN ENCARNACION)
398 