Pagbabalik sa Malakanyang isang hakbang na lang HULING DQ CASE VS MARCOS IBINASURA

TILA nagbabadya ng tiyak na panalo sa May 9, 2022 national polls ang tuluyang pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) sa natitirang disqualification case laban kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.

Sa ruling na pirmado ni Presiding Comelec Commissioner Socorro Inting, ibinasura ang reklamo dahil sa kakulangan ng merito. Nilagdaan din ito nina Commissioner Aimee Ferolino at Aimee Torrefranca-Neri.

Nakasaad sa desisyon na base sa 1987 Constitution kwalipikado si Marcos na tumakbo sa anomang posisyon sa halalan.

Inihain ng Pudno Nga Ilokano (ang totoong Ilokano) ang petisyon kaugnay ng tax-related cases laban kay Marcos.

Kabilang sa petitioners sina Margarita Salonga Salandanan, Crisanto Ducusin Palabay, Mario Flores Ben, Danilo Austria Consumido, Raoul Hafalla Tividad, Nida Mallare Gatchallan, at Nomer Calulot Kuan.

Matatandaang noong Pebrero, ibinasura ng nasabing dibisyon dahil din sa kakulangan ng merito ang disqualification case na inihain laban kay Marcos Jr. sa pamamagitan ng pinagsama-samang petisyon nina Bonifacio Ilagan, Abubakar Mangelen at Akbayan.

Nang hingan ng komento si Marcos habang nasa kanyang campaign sortie sa Occidental Mindoro, sinabi nitong, “It’s a good development and we’re happy that it happened before the upcoming elections.”

Para naman sa kanyang chief of staff at tagapagsalita na si Atty. Victor Rodriguez, sa puntong ito ay dapat magkaisa ang mamamayan para sa isang malinis at tapat na eleksyon.

“As advocated, elections are settled through the ballots on election day – not through the abuse of our judicial processes like the filing of nuisance petitions for disqualification.

The Commission on Elections has affirmed and settled the last petition for disqualification: Presidential frontrunner Bongbong Marcos possesses all the qualifications needed to aspire for, campaign and serve as president of the Republic of the Philippines.

It is now time for every peace-loving Filipino to work for a clean, honest, credible and fair elections, and allow the people to speak, their voices heard and votes genuinely counted,” pahayag ni Atty. Victor Rodriguez, chief of staff at tagapagsalita ni Marcos, Jr. kaugnay sa pagbasura sa nalalabing DQ case.

164

Related posts

Leave a Comment