HI-TECH INTERNET ISUSULONG NG CLICK PARTYLIST

BINANSAGAN tayong social media capital of the world pero hanggang ngayon ay kulelat pa rin tayo pagdating sa internet speed. Bakit nga ba mabagal ang internet sa Pilipinas? Dahil sa makupad na internet sa bansa, kaliwat kanan ang hinaing ng mga mag-aaral na nagbabalik eskwela simula pa nang mag-umpisa ang pandemya.

Maging ang mga guro at estudyante na nasa mga liblib na lugar ay hindi exempted sa mabagal na internet na ang iba pa ay umaakyat ng bundok upang makasagap ng signal at para sa kanilang online classes.

Nananawagan ang Click party-list nominee na si Henry Chua II sa sambayanan ng pagkakaisa na magkaroon ng boses sa Kongreso na tututok sa problema ng bansa pagdating sa mabagal na internet connection at mabigyan ang bawat barangay ng libreng WiFi upang mas makatulong sa mga nag-work from home at online classes.

Sa pamamagitan ng Starlink satellite na nagbibigay ng mabilis na internet connectivity ay ginagamit na ito sa buong panig ng mundo para makakuha ng access sa edukasyon, health services at komunikasyon lalo na sa panahon ng sakuna kung saan ang Pilipinas ay unang bansa sa south east Asia na makikinabang sa teknolohiya lalo sa mga lugar na mahirap makakuha ng signal.

Layunin din ng Click party-list na mabigyan ng pinamurang data plan ang may mga online negosyo at libreng online training modules na magagamit ng mga guro at mag aaral at masuportahan ang mga gamers at athletes para sa mga international tournaments.

201

Related posts

Leave a Comment