BELMONTE, TIANGCO, SOTTO, MALAPITAN, BIAZON NAKAUNGOS SA HKPH/ARC SURVEY

SA pinakahuling resulta ng survey mula sa HKPH- Public Opinion and Research Center katuwang ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong, lamang sa kanilang mga katunggali sina: Joy Belmonte (Mayor-Quezon City), John Rey Tiangco (Mayor- Navotas City), Vico Sotto (Mayor- Pasig City) at Along Malapitan (Mayor- Caloocan City).

Lumabas sa “Pulso ng Bayan: NCR Election 2022” survey na buo na ang desisyon at nakapagpasya na ang mga botante sa Quezon City kaya inaasahan na si incumbent Mayor Joy Belmonte pa rin ang uupo matapos ang May 2022 elections. Si Mayor Belmonte ay nakakuha ng 63% score laban kay Congressman Mike Defensor na may 30%. Binigyan si Belmonte ng napakataas na 80% “performance assessment” matapos ibasura ang reklamo laban sa kanya sa Ombudsman.

Samantala, suportado naman ng mga Navoteño ang pagbabalik ni Congressman John Rey Tiangco sa dating pwesto na alkalde ng Navotas. Nakuha ni Cong. Tiangco ang 85% na suporta ng botante at 10% naman ang ibinigay sa katunggali na si RC Cruz.

Sa Pasig City, nakuha naman ni Mayor Vico Sotto ang 67% na suporta laban kay Vice Mayor Iyo Bernardo na may 31%. Si Congressman Ruffy Biazon naman ay panalo rin sa Muntinlupa City na may iskor na 77% at 21% naman kay Red Mariñas.

Panalo rin si Congressman Along Malapitan na may 75% votes laban kay Congressman Egay Erice na may 23% vote count sa karera.

Ang survey ay isinagawa nang malaya at walang komisyon mula Abril 24-28, 2022, nag-survey sa 5,500 rehistradong botante na may margin of error na 3% (+/-), at gumamit ng random sampling sa National Capital Region.

328

Related posts

Leave a Comment