SIXERS SUNOG ULIT SA HEAT

Ni VT ROMANO

NAIBULSA ng Heat ang 2-0 lead sa Eastern Conference semifinals, matapos talunin ang Philadelphia 76ers, 119-103, sa FTX Arena sa Miami, Florida (Huwebes sa Manila).

Nagtala si Bam Adebayo ng 23 points habang 22 points at 12 assists naman kay Jimmy Butler para sa Heat.

Kasabay ng kanyang 30th birthday, umiskor si Victor Oladipo ng 19 points, habang si NBA’s Sixth Man of the Year awardee Tyler Herro nag-ambag ng 18 puntos para sa East’s No. seed. Sampu sa puntos ni Oladipo ibinato niya sa fourth quarter.

Nagsumite naman si Tyrese Maxey ng 34 points para sa Philadelphia, 21 points mula kay Tobias Harris at 20 kay James Harden.

Mula sa eight-point lead sa fourth, umariba ng 10-0 run ang Miami at hinatak sa 18 puntos ang kalamangan, para selyuhan ang panalo at siguruhing makukuha ng Heat ang home court bago tumungo ang series sa North. Sa Biyernes ang Game Three sa Philadelphia.

Panghahawakan din ng Heat ang kasaysayan habang magdadasal ang 76ers huwag mangyari.

Sa nakalipas na 18 series, laging nakukuha ng Miami ang 2-0 lead, kabilang ang first round ngayong season laban sa Atlanta at sa tuwina’y laging wagi.

Sa panig ng Sixers, sa tuwing natatalo sa ­unang dalawang laro sa 19 ­okasyon, bigo itong manalo sa series.

Para sa laro sa Biyernes, malaking ­katanungan kung makalalaro na si Philadelphia big man Joel Embiid. Ang NBA’s scoring ­champion at MVP finalist ay malaking kawalan sa kampanya ng 76ers.
“We don’t have a big man right now,” litanya ni Philadelphia coach Doc Rivers.

Maganda ang nilalaro ni Adebayo, kung saan naglista siya ng 8-of-10 sa field at 8-for-8 sa line sa Game One at sa Game Two, 7-for-11 naman siya sa floor.

Hindi lang ang absence ni Embiid ang problema ng Philadelphia, kundi maging ang 8-for-30 ng team sa 3-point-range.

Si Danny Green ay 1-for-10 sa field, ikalawang beses sa kanyang playoff career na marami siyang attempts ngunit walang pumapasok. Nangyari na rin ito sa kanya sa San Antonio noong 2013 (1-for-12) laban sa Miami, iyon ang gabing nahablot ng Heat ang ikatlo at huling NBA title.

Sa natitirang 0.1 ­seconds sa half, naka­kuha ng foul si Harden at ­naisalaksak ang tatlong free throws para ilapit ang Philadelphia, 60-52.

Hindi pa rin nakapag-aambag si Georges ­Niang, kung 0-for-7 siya sa ­3-pointers sa Game 1, fouled out naman siya sa sampung minuto pa lamang ng Game 2.

MAVS BOKYA PA vs SUNS

MULING nagpakita ng big game si Luka Doncic laban sa Phoenix Suns, at muli ring nabalewala iyon.

Ang problema sa matchup na ikinatalo ng Dallas Mavericks sa Game 1 (121-114), muling nasilayan sa Game 2 nang mula sa dikitang laro, umarangkada ang Suns sa fourth quarter ­tungo sa 129-109 win at angkinin ang 2-0 series lead sa Western ­Conference semifinals sa Footprint Center sa Phoenix.

Buhat sa 20 points ni Chris Paul at 21 ni Devin Booker sa second half, ang 11-0 fourth quarter run ng Suns ay ginawang 23-2 streak, na kamuntik pang magkainitan sa final four minutes.
Nagtala ang Suns ng season-high at franchise playoff record 64.5% sa field.

Kung sa Game One nagsumite si Doncic ng 45 points, 12 assists at eight rebounds, muli siyang umiskor nang malaki, 35 points, may seven assists at five rebounds at shooting 5-of-10 sa 3-point range.

Habang dalawa lang sa kanyang kakampi ang may double digits – Reggie Bullock, 16 points at Spencer Dinwiddie, 11 points). Ito ay bunga ng magandang depensang inihatag ng Suns.

Matapos umiskor ng eight points sa first half, nagpasabog si Paul sa ­second half at itinala ang total 28 points, eight assists at six rebounds buhat sa 11-of-16 shooting sa field, 14 puntos dito ay ginawa niya sa fourth quarter kung saan tinambakan na ng Suns ang Mavs.

Sa Biyernes ang Game 3 sa American Airlines ­Center sa Dallas.

Sa bandang dulo na rin nag-init si Booker matapos ang nine-point contribution at kabiguang maipasok ang 3-pointer sa first half. Tinapos niya ang laro sa ambag na 30 points, four rebounds at four assists (11-of-19 sa field at 5-of-8 sa 3-point range).

Si Dwight Powell ang tumayong sentro ng Dallas, pero sumalang lamang ng 13 minutes nang ma-foul trouble, mula rito napilitan ang Mavericks sa small lineup upang makasabay sa athleticism ng Suns. Bagay na sinamantala ni Paul at malayang naka­atake sa basket.

156

Related posts

Leave a Comment