COVID-19 SURGE ASAHAN NGAYONG BUWAN

covid

BABALA ng isang infectious disease expert, asahan ang muling paglobo ng kaso ng mga positibo sa nakamamatay na sakit bunsod ng pagdagsa at pagkukumpol-kumpol ng mga tao sa katatapos pa lang na 2022 general elections.

Panawagan sa publiko ni Dr. Rontgene Solante, na tumatayong miyembro ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH), maging mapagmatyag lalo pa’t tatlong ulit na mas nakakahawa umano ang mga Omicron sub variants na nakikitang dahilan sa muling paglobo ng bilang ng mga nagpositibo sa Estados Unidos at South Africa.

“Sa dami ng superspreader events for the last 2 weeks at meron pa ring community transmission ang omicron variant na napakataas ang hawaan, expected ‘yan na meron talagang uptick ng cases within the first week or the 2nd week after ng election,” aniya.

Gayunpaman, naniniwala ang nasabing health expert na hindi magiging kasing tindi ang pagdami mga kumpirmadong kaso sa bansa dahil sa patuloy na sigasig ng kagawaran — katuwang mga local government units (LGU) sa pagbabakuna ng mga mamamayan kontra COVID-19.

Pag-amin ni Solante, hindi maikakaila ang kabi-kabilang paglabag sa itinakdang ‘minimum health standards’ sa ginanap na political rallies, kampanya at maging sa mismong araw ng halalang dinagsa ng mga botante. (RENE CRISOSTOMO)

130

Related posts

Leave a Comment