KAMPO NI LENI ‘DI PA NAKA-MOVE ON?

TILA nagkukubli ang ­ma­raming anino sa likod ng isang talunang presidential candidate na naghihintay na sila’y mapaboran sa maruming taktika na laro sa pulitika, kasapakat ang mga posibleng pinakawalan nitong mga indibidwal na hindi matanggap ang boses at desisyon ng mahigit 31 milyong sambayanang Pilipino na inihalal si elected President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Hindi pa man naiproklama si BBM ay dalawang petisyon ang isinumite ng dalawang grupo sa Supreme Court, una ay ang inihain ng grupo ni
Fr. Christian Damaso ‘este Buenafe at ng ilang makakaliwang grupo na umano’y biktima ng martial law, at ang grupo ng CARMMA na isa rin sa mahigpit na kritiko na hiniling na ipa-disqualify si Marcos Jr.

Matatandaang ibinasura ng COMELEC ang kanilang mga petisyon na siyang nagpatibay na qualified ang kandidatura ni BBM na maglingkod sa bansa.

Kaugnay nito, hiniling ng grupo sa SC na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) para pigilan ang pag-canvass ng Kongreso ng election returns na nakatakda sa araw ng Martes, May 24, bago ang proclamation at panunumpa ng bagong halal na Pangulong BBM na patuloy na nangunguna sa partial and unofficial count na 31.1 million votes laban kay Robredo na 14.8 million lamang.

Ayon naman sa dating Solicitor General na nagsilbi sa bansa mula 1972-1986 na si Atty. Estelito Mendoza, alinsunod sa Philippine Constitution “Section 4, article VII” ay walang jurisdiction o kapangyarihan ang SC na maglabasng TRO para pigilan ang mababang kapulungan ng Kongreso mula sa canvassing ng mga boto at proclamation ng mga nanalo sa katatapos na May 9 presidential election kung saan ay nakasaad din sa 1987 Constitution na kailangan nang ­magsimula ang termino ng mga nanalo sa June 30 ng 12 ng tanghali at matatapos din sa parehong oras at petsa pagkatapos ng anim na taon.

Kung sakaling baliktarin ng SC ang nakasaad sa batas at bigyang pabor ang unang petitioner na nais ipa-cancel ang COC ni BBM ay magiging non-valid ang kanyang boto at ang ipoproklamang nanalo ay ang sumunod sa mataas na nakuhang boto na si Robredo, at sa pangalawang petitioner naman na humiling na ipa-disqualify si BBM dahil sa isyu ng tax, ay ang nanalong vice president ang maaaring ideklara bilang pangulo ng bansa na si Sara Duterte.

Sinang ayunan naman ni Liberal Party Vice Chairman, Senator Franklin Drilon na walang jurisdiction ang SC na pigilan ang canvassing ng Kongreso o mag-isyu ng TRO na aniya’y wala sa lugar sa saligang batas.

Ayon naman sa tagapagsalita ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez, tigilan na ang panggugulo at igalang ang boses ng sambayanan para sa muling pagbangon ng bansa.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

197

Related posts

Leave a Comment