PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA Sa tuwing nababanggit ang Bureau of Customs (BOC), karaniwang pumapasok sa isip ng marami ang mga nakukumpiskang kontrabando, malalaking koleksiyon ng buwis, at mga operasyong laban sa smuggling. Ngunit sa likod ng mga numerong ito ay isang mas malaking larawan—ang uri ng pamamahalang isinusulong ng ahensiya at kung paano nito pinoprotektahan hindi lamang ang ekonomiya kundi maging ang mga taong nagsisilbi rito at ang pondong pag-aari ng sambayanan. Nitong mga nagdaang linggo, tatlong magkakaugnay na hakbang ng Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno…
Read MoreDay: June 28, 2026
ANYARE SA MGA PINUTOL NA PUNONGKAHOY SA QUIRINO?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY gusto akong kumustahin pero hindi iyong pinaiyak ng hindi nangumusta ha. Ang dapat kumustahin ngayon ay ang mga pinutol na puno sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila para bigyang-daan ang Southern Access Link Expressway (SALEX), ang proyektong magdudugtong ng Skyway to Roxas Boulevard. Itinuring ng Caritas Philippines, na “act of ecological violence” ang ginawang pagpuputol sa mga punong nagsisilbing “silent protectors” at “lungs of the community.” Mahigit 225 na puno na ang pinutol bago natigil ang operasyon. Sa permit na inisyu ng DENR sa…
Read MoreTRIP TO VIETNAM NI ALIAS “HAIDEE,” NEGOSASYON SA KOTONGAN?
BISTADOR ni RUDY SIM TILA naging kaduda-duda ang madalas na biyahe ni alias “Haidee” sa bansang Vietnam na utak umano ng pamemeke ng dokumento ng mga dayuhang kumukuha ng kanilang visa sa bansa kasabwat din ang ilang matataas na opisyales ng Bureau of Immigration, upang inguso sa tiwaling tauhan ng intelligence at division kung sino ang travel agencies na kanyang kalaban sa negosyo upang kotongan. Naging usap-usapan ngayon sa BI na baka raw sa Vietnam isinagawa ni alias “Haidee” ang negosasyon para aregluhin ang foreign nationals na kabilang sa mga…
Read MoreNAKUMPISKANG KRUDO IBINIGAY SA COAST GUARD
PARA makatulong sa Philippine Coast Guard sa kanilang maritime domain awareness operation, ipinasya ng Bureau of Customs na i-donate na lamang sa bantay-dagat ang kanilang mga nakumpiskang libo-libong litro ng krudo sa Bicol region. Sa isang mahalagang hakbang upang mapalakas ang seguridad sa karagatang sakop ng Pilipinas at kakayahang pang-operasyon, pormal na isinalin ng BOC-Legazpi ang donasyon na 1,783 litro ng nakumpiskang krudo sa Philippine Coast Guard (PCG) District sa Bicol. Ang donasyong krudo ay nagmula sa mga walang markang diesel (unmarked diesel) na nasabat ng isang pinagsamang koponan mula…
Read More2 PRESO TUMAKAS SA CAVITE JAIL
TINUTUGIS ng mga awtoridad ang dalawang Persons Deprived of Liberty (PDLs) makaraang tumakas mula sa kanilang kulungan sa pamamagitan ng pag-akyat sa pader at pagsira ng barbed wire sa Trece Martires City, Cavite noong Sabado ng umaga. Kinilala ang dalawang PDL na sina alyas “Darwin” ng Bgry. Toclong 2B, Kawit, Cavite at “Leo” ng Brgy. Sto. Niño, Pasay City. Ayon sa ulat, bandang alas-8:44 ng umaga nang matuklasan ang pagtakas ng dalawang PDL mula sa Cavite Provincial Jail na matatagpuan sa Brgy. Lapidario Trece Martires City, Cavite. Ayon kay Candelario…
Read MoreP40.06-M DROGA NASAMSAM, 110 SUSPEK ARESTADO
UMABOT sa kabuuang P40.06 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam habang nasa 110 drug personalities ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency sa kanilang isang linggong anti-narcotics operation sa buong bansa katuwang ang Bureau of Customs, Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng batas. Nabatid na nasa 83 malawakang operasyon ang inilunsad ng PDEA sa buong bansa mula Hunyo 18 hanggang 25, 2026. Ang mga operasyon na sumaklaw sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga buy-bust operation, maritime interdiction, pagpuksa sa mga plantasyon…
Read MoreBULACAN MALLS NAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES SA 545 ESTUDYANTE
MULING pinagtibay ng SM City Marilao at SM City Baliwag ang kanilang pangako sa edukasyon at pagpapaunlad ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga upuan, mesa, computer units, at iba pang mga kagamitan sa paaralan sa Kapitangan National High School sa Paombong, Bulacan noong Hunyo 24. Ang naibigay na mga kagamitan ay makatutulong sa paglikha ng mas kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral para sa mga mag-aaral at guro, na susuporta sa parehong digital learning at mga collaborative space. Nasaksihan ng mga kinatawan mula sa SM City Marilao at SM City…
Read MoreKOMITE NI SEN. ERWIN REREPASUHIN IMPLEMENTASYON NG JUVENILE LAW
MAGSASAGAWA ng komprehensibong pagsusuri ang Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, sa pamumuno ni Senator Erwin Tulfo, sa pagpapatupad ng Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Kasunod ito ng mga sunod-sunod na high-profile cases na kinasasangkutan ng mga menor de edad, kabilang ang pamamaril sa Tacloban City at mga insidente ng pananaksak sa Negros Occidental at Cavite. Ayon kay Tulfo, matagal na niyang binibigyang-diin ang kakulangan sa implementasyon ng batas dahil maraming pamilyang nabiktima ng krimen ang nawawalan ng pag-asa bunsod…
Read MoreDILG PABOR AMYENDAHAN IRR SA GUN OWNERSHIP
NANAWAGAN si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga mambabatas na amyendahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng gun ownership sa bansa. Ayon kay Remulla, layunin nitong palakasin ang umiiral na batas at magkaroon ng malinaw na criminal liability ang may-ari ng baril kapag ginamit ito ng ibang tao sa paggawa ng krimen. Binigyang-halimbawa ng kalihim ang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, kung saan ang may-ari ng baril ay nahaharap lamang umano sa kasong may kaugnayan sa administratibong pananagutan…
Read More