SALA SA INIT, SALA SA LAMIG Ni EDDIE ALINEA
“SUPERMAN will fly again!” Ito ang sinabi ng maalamat na Pilipinong boksingerong si Manny Pacquiao sa kanyang assistant trainer na si Buboy Fernandez habang sakay ng eroplano pabalik ng Maynila noong Abril 2016.
Galing ang 37-anyos at Βkongresista pa lang noon na si Pacquiao mula sa panalo laban sa Amerikanong si Timothy Bradley sa ikatlo at huli nilang pagtutuos para mabawi ang koronang hinubad sa kanya ng mandirigma mula sa Palm Springs, California nang ihayag ng una ang kanyang pagreretiro matapos ang 21 taong pagboboksing. Ngunit makaraan lang ang humigit-
kumulang 10 buwan, bumalik ang Pambansang Kamao sa pagboΒboksing. At mukhang muling mauulit ang ganitong kaganapan.
Dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas, matapos siyang mabigo sa pangarap na maging pinakamataas na pinuno ng bansa, may sumingaw na mga balitang Βmuling aakyat sa ibabaw ng parisukat na lona ang world eight-division champ. Ayon sa mga sitsit, naghahanap na ng makakalaban ang isa sa “greatest boxers of all time” na si Pacquiao at isa sa pinakamaΒtunog na pangalang lumutang ay ang walang talo hanggang magretiro na si Floyd Mayweather Jr.
Matatandaang nagkaharap na ang dalawa at tinalo ni ‘Moneyweather’ si ‘Pacman’ sa tinawag na “Fight of the Century” at “Battle for Greatness” noong May 2, 2015. At dahil sa napakalaking kinita nito kaya’t marami ang humihikayat kay Mayweather na magkaroon sila ng rematch ni Pacquiao.
Sa ngayon, ang may 50-0 pro record na Amerikano ay patuloy na nagkakamal ng salapi sa pamamagitan ng panakanaka at piling exhibition matches. Kaya marami ang gustong mapanood siya sa tunay na laban kontra Βkapwa dekalibreng boksingero gaya ni Pacquiao.
Samantala, ang Βdating trainer ni Pacquiao na si Hall of Famer Freddie Roach ay naniniwalang hindi pa Βtuluyang natuldukan ang boxing career ni Pacquiao. “That’s probably the only reason we’re staying in the game, because we want a rematch with Floyd Mayweather. We want to get that.”
Sabi pa ni Roach sa panayam ng broadcaster na si Jenna J. “I saw him at a restaurant in LA one time. He took pictures with my friends, and he was very polite and amiable. I told him, ‘There are still some big fights out there for you.’ But I didn’t ask him about Manny at all. I don’t know the real reason why he’s coming by to visit.”
Ngunit sa kaibuturan ng puso ni Roach ay naniniwala siyang bukas si Pacquiao na labanang muli si Mayweather. “I know Manny wants the rematch bad. Manny thought he won the first fight. If you look at it with no commentating, you watch and see him Βlanding more punches.”
Dagdag ng may-ari ng Wild Card gym: “I still was a little disappointed in Manny’s performance (in that fight),” na ang tinutukoy ay ang shoulder injury nito. “But now he’ll be one hundred percent. I think that he will Βdestroy him (Mayweather) at one hundred percent Βcapacity.”
Huling pakikipagsagupa sa ring ni Floyd ang kontra Don Moore sa Abu Dhabi. Habang si Manny ay natalo sa desisyon laban sa Cubanong si Yordenis Ugas noong nakaraang taon. Matapos ito ay tuluyan na siyang nagretiro.
Muling lumaban si Pacquiao, ngunit bilang pangulo ng Pilipinas nitong Mayo 2022. At bigo na naman siya, sa pagkakataong ito laban kay bagong Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
189 