HANDA ang Nigeria na tulungan ang Pilipinas sa problema nito sa langis at natural gas sources sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Ambassador to the Philippines Folakemi Ibidunni Akinleye, may ilang mahahalagang usapin na tinalakay sa kanyang courtesy call kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kabilang ang agrikultura, teknolohiya at natural gas.
Ayon kay Akileye, ang Nigeria ay pang- 12 “largest oil producer” sa buong mundo.
At sa tanong kung magagarantiya ng Nigeria ang kanilang commitment na tumulong patatagin ang presyo ng langis sa gitna ng giyera ng Russia at Ukraine, sinagot ito ni Akileye ng “Yes, we can”.
“I actually mentioned it to the president-elect as well. Nigeria is the number 12 oil producer in the world so we can help,” ang pahayag ni Akinleye.
Idagdag pa rito, sinabi ni Akileye na ang Nigeria ay “third-largest source” ng natural gas sa buong mundo, maaaring gamitin bilang energy source.
“I know he is keen on green energy. So we talked about natural gas as well. So Nigeria is ready to collaborate and work with the Philippines,” ayon kay Akinleye.
Samantala, handa namang maglagak ng pagnenegosyo sa pharmaceutical industry sa bansa ang Bangladesh.
Sa courtesy call ni His Excellency Borhan Uddin kay Marcos Jr., sinabi nito na target ng kanilang hanay na paigtingin ang ugnayan sa bansa sa larangan ng paggawa ng gamot.
“We have a very booming pharmaceutical sector in Bangladesh. He will be happy to know that we export our pharmaceuticals to more than 140 countries around the globe, including USA and European Union countries. So, we are hoping to enhance our cooperation in this sector also. And maybe there will be some investment from Bangladesh in the Philippines in this sector,” pahayag ni Uddin.
Sa ngayon, gumagawa na ang Bangladesh ng gamot na remdesivir kontra COVID-19.
Bukod sa pharmaceutical industry, natalakay rin nina Marcos at Uddin ang usapin sa pagpapaigting sa kooperasyon sa sektor ng agrikultura, ceramic industries, glass fiber industries, jute at jute goods industries, gardeners industries, at iba pa.
Gayundin ang kooperasyon sa regional at international level.
Suportado sa WPS issue
Kaugnay nito, muling pinagtibay ng mga ambassador mula Australia at New Zealand ang kanilang commitment na paghusayin ang ugnayan ng kanilang bansa sa Pilipinas ” to strengthen, peace, prosperity and stability” sa rehiyon.
Tinalakay rin sa kanilang pakikipag-usap kay Marcos Jr. ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
“I reiterated our commitment to the Philippines in supporting the outcome of the arbitral award and supporting the Philippines as it goes forward dealing with difficult regional issues,” ayon kay Australian Ambassador to the Philippines Steven James Robinson.
Binigyang diin naman ni New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Francis Kell kay Marcos Jr. ang kahalagahan ng ugnayan ng bansa na patatagin ang rehiyon sa gitna ng tensyon ng pinagtatalunang katubigan.
“Naniniwala ako sa pamamagitan ng pagtutulungan upang ang palakasin kapayapaan at kasaganahan sa ating rehiyon,” ayon kay Kell.
“So I stressed that our relationship is important… to strengthen our region… to strengthen peace prosperity and stability,” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Robinson na pinag-usapan nila ni Marcos Jr. ang tungkol sa defense relationship ng Pilipinas at Australia at ang joint training program.
Inulit ng Australia, isa sa Philippines long-standing allies, ang pagkastigo sa China sa pag-angkin nito sa halos buong South China Sea, isang strategic waterway kung saan bilyong dolyar na halaga ng sea-borne goods ang dumadaan taun-taon. (CHRISTIAN DALE)
