Pilipinas binago ng ‘Thrilla In Manila’

SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA

ALAM ba ninyo na muntik nang hindi natuloy ang heavyweight championship fight nina ‘The Greatest’ Muhammad Ali at ‘Smokin’ Joe Frazier na tinawag na “Thrilla In Manila” noong Oktubre 1, 1975?

Ayon kay Louisville Lip, masasamang balita ang nababasa niya noon sa malalaking pahayagan sa Estados Unidos tungkol sa Pilipinas kaya inisip niyang ‘di na tuparin ang kontrata.

At sa isang impormal na pakikipag-usap ni Ali sa mga mamamahayag sa kanyang Manila Hotel suits ilang araw bago ang laban, inamin niyang nangangamba siya at kanyang kampo sa kanilang kaligtasan sa pagpunta sa Pilipinas. Marami aniya ang nagpayo sa kanya, ilan ay mga Pilipino mismo, na mapanganib sa Maynila.

“There was shooting on the streets and ­fighting and people getting killed and that the Filipino people were no good. They (Filipinos) hate you, you are muslim, they are killing muslims, it’s just like Hitler,” ay ilan lamang sa mga narinig ni Ali.

Ngunit nagbago aniya ang opinyon niya pagdating ni Frazier sa Maynila at maging kay Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Lying dogs, lying people!” bulalas ng kampeon na ang tinutukoy ay ang mga dayuhang mamamahayag. “Filipinos are the sweetest people in the world. I see muslims and Christians hugging and kissing each other.”

Dagdag ni Ali: “When white men in America and some of my own Muslim brothers told me about those horrible stories about the Philippines, that made me more determined to get to the truth. I will believe it (only) when I see for myself. And what I have been seeing (since setting my foot here) are the exact opposite of what I was told”

Sa mga narinig niya tungkol kay Pangulong Makoy, sinabi ni Ali: “he is a great and humble man who is trying to do what is best for his people. It was a great honor to meet a man of his stature and courage.”

Pinuri din niya si Marcos na aniya’y nagbigay sa kanya ng “the right and privilege to be paid for work, which I will use as what I had done in the past, and what the President would’ve wanted it, help poor people by building schools, hospitals, houses and enabling colored children to have decent future.”

Giit pa ng kampeon, nakita niya ang pagsisikap ng pamahalaan na madala ang laban sa Pilipinas para mabago ang pagtingin ng buong daigdig sa mga Pilipinong pinipilit sirain ng mga taong laban sa gobyerno.

Makalipas ang 47 taon, matapos ang Thrilla In Manila – The fight of the Year, The fight of the ­Century, The Greatest Fight of All Time – nananatiling matatag ang Pilipinas, na ngayo’y may bagong Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

301

Related posts

Leave a Comment