INILATAG na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “major criteria” sa pag-alis ng mga pamilya mula sa listahan ng 4Ps beneficiaries.
Una na rito ay ang non-compliance sa mga kondisyon na itinakda ng conditional cash transfer program (CCT).
Ang 4Ps ay mayroong apat na mga pangunahing kondisyon para sa mga pamilya.
Una na rito, ang isang buntis ay dapat mag-avail ng pre at post-natal care, at dapat na may isang propesyonal na mag-aasikaso sa kanila sa panahon ng kanilang panganganak.
Pangalawa, ang mga magulang o guardians ay kailangan dumalo sa family development sessions na kadalasan ay idinaraos isang beses isang buwan, may paksa na gaya ng “responsible parenting, kalusugan at nutrisyon.”
Pangatlo, ang mga sanggol at mga kabataan na may edad na hanggang limang taon ay dapat makatanggap ng regular health check-ups at bakuna.
Pang-apat, ang mga kabataan na may edad na 6-14 ay dapat makatanggap ng deworming pills.
Ang mga kabataan na may edad na 3-18 ay dapat mag-enroll sa eskuwelahan, panatilihin ang attendance sa 85% ng class days kada buwan.
Ang kawalan ng kakayahan na tumugon sa kahit na anomang kondisyon ay nangangahulugan na dapat nang alisin sa listahan ng programa.
Ang pangalawang criteria ay kapag ang pamilya ay nakamit na ang financial independence.
Sa kabilang dako, marami naman ang pumalag sa bagong hakbang na ito ng DSWD.
Ang apela ng mga ito ay panatilihin ang kanilang mga pangalan sa programa dahil nananatili pa rin silang low-income earners.
Samantala, sinabi naman ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na mangangailangan siya ng 3 hanggang 4 na linggo para linisin ang listahan.
Binalaan din nito ang mga “uncooperative beneficiaries” na maaari rin silang maalis sa programa. (CHRISTIAN DALE)
151