POLICE VLOGGER KINASUHAN NG RAPE

ISANG tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang inilagay sa preventive custody dahil sa kinahaharap nitong kasong administratibo at kasong kriminal.

Ayon kay PNP spokesperson at PRO3 RD PBGen. Jean Fajardo, dinis-armahan na ng PRO4A ang police vlogger na inakusahan ng panggagahasa sa isang teller.

Sinabi ni Fajardo, bukod sa dinidinig na kasong administratibo, sasampahan din ng kasong kriminal ang pulis at isa pang kasabwat na at-large.

Ang biktimang teller ng sabungan sa Batangas, ay kasalukuyang nasa pagamutan dahil sa trauma na dinanas nito sa kamay ng nasabing police vlogger.

Lumabas sa isinagawang medico legal examination na nagpositibo sa sexual assault ang biktima.

Hinihintay pa ng PNP ang resulta ng toxicology test para mabatid kung drinoga rin ang biktima para patibayin pa ang kasong kinahaharap ng suspek. (JESSE KABEL RUIZ)

9

Related posts

Leave a Comment