GO NEGOSYO, DTI NAGPULONG UKOL SA MSME PARTNERSHIPS

Sa courtesy call  kamakailan ni Go Negosyo founder Joey Concepcion kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ay  tinalakay ang patuloy na pakikipagtulungan nito sa DTI at mga plano upang higit pang isulong ang pag-unlad ng MSMEs. Si Concepcion ay nagsisilbi ring  Vice Chair ng Micro, Small and Medium Enterprises Development Council.

Napag-usapan ang papel ng “digital transformation” bilang tagapagtaguyod para sa mga MSMEs, gayundin ang digital alliance na itinatag ng Go Negosyo noong 2019 at paano nito matuturuan ang MSMEs na gumamit ng mga pamaparaang digital sa pagnenegosyo.

Kasama rin sa agenda ang pagpapatuloy ng ASEAN Mentorship for Entrepreneurship Network (AMEN) Project, na kamakailan ay ginawaran ng US$333,943 grant mula sa Japan-ASEAN Integration Fund. Ito ay bahagi ng legacy project ng ASEAN Business Advisory Council–Philippines kung saan ang mga maliliit na negosyante ay tuturuang magnegosyo sa ibang bansa sa ASEAN, at mapadadami pa ang mga maaaring maging mentor sa buong rehiyon. “Ito ay isang mahusay na hakbang para sa mentorship advocacy na sinimulan ng Go Negosyo,” ani Concepcion.

Ibinahagi rin ni Concepcion kay Sec. Pascual ang mga hakbangin ng Go Negosyo noong pandemya na naglayong panatilihing bukas ang ekonomiya at tulungan ang mga MSME na makabangon. Sinabi ni Sec. Pascual ang kanyang pagnanais na makita at matiyak na, sa kanyang termino, mas maraming MSMEs ang lalago mula sa micro hanggang small, mula sa small hanggang medium, at, sa kalaunan, magiging large enterprises.

“Ang kalusugan at kapakanan ng ating mga MSME ay mahalaga sa pagbangon ng Pilipinas mula sa pandemya,” sabi ni Concepcion. “Mga MSMEs ang higit sa 99 porsiyento ng mga negosyo sa bansa,” aniya. “Sa kanila nakasalalay ang trabaho ng 62.5 porsiyento ng mga Pilipino,” aniya.

Datin nang kaagapay ang DTI sa mga programa ng Go Negosyo. Pangunahin sa mga ito ang Kapatid Mentor Me (KMME), na gumabay sa mahigit na 11,000 na negosyante sa buong bansa mula noong 2016. Kahit noong pandemya ay nagpatuloy ang mga mentoring program nito gamit ang online at social media.

Ang mga mentoring program ng Go Negosyo ay para sa mga aktibong negosyante na nagnanais na palaguin ang kanilang negosyo, at sa mga aspiring entrepreneur na gustong magnegosyo. Tumutulong ang Go Negosyo sa pagtataguyod ng entrepreneurship sa mga Pilipino sa pamamagitan ng tatlong haligi na kinakailangan ng negosyante upang magtagumpay: pera, pamilihan at paggabay.

Kasama ni Go Negosyo founder Joey Concepcion si Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual (gitna) sa pulong noong July 11 sa DTI. Kasama din sina  (mula kaliwa) Go Negosyo Executive Director Thermina Akram at Senior Adviser for MSME Development Engr. Merly Cruz, at sa DTI ay sina (galing kanan) DTI OIC Director for BSMED Emma Asusano at Undersecretary Blesila Lantayona of the Regional Operations Group.

153

Related posts

Leave a Comment