DFA: WALANG DEPLOYMENT NG PINOY SA SRI LANKA

ITINAAS ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 2 ang security restrictions para sa mga Pilipino sa Sri Lanka bunsod ng nagpapatuloy na political at economic turmoil sa nasabing bansa.

Ibig sabihin lamang, ayon sa DFA ay walang bagong deployment ng overseas Filipino workers sa Sri Lanka at tanging ang mga may umiiral na employment contracts ang papayagan magbalik sa South Asian country.

Sa ulat, may mga nagpapatuloy na mass protests sa naturang bansa sa gitna ng krisis pang-ekonomiya.

Isinisisi naman ng Sri Lankans kay president Gotabaya Rajapaksa, nagbitiw mula sa kanyang posisyon dahil sa lumalalang economic situation, ang inflation at pagkasalat ng basic goods kabilang na ang pagkain at langis.

Sa kabilang dako, nakikipag-ugnayan na ang Filipino community sa Sri Lanka sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Dhaka.

“According to the Embassy, no Filipinos were reported injured during the recent violent protests,” ayon sa departamento.

Gayunman, sinabi ng DFA na wala pang plano kung ililikas ang mga Pilipino mula sa Sri Lanka.

140

Related posts

Leave a Comment