MAITUTURING si Bea Alonzo na isa sa hottest female star sa showbiz ngayon. Matatag pa rin ang kanyang showbiz career at sa kasalukuyan gumagawa ng isang malaking Pinoy adaptation serye katambal ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards, ang ‘Start Up.’
Masasabi ring lucky in- love si Bea sa present bf na si Dominic Roque dahilan sa all out support ang boypren sa kanyang showbiz career.
Pero beyond all those years of success na tinatamasa ay may isang personal frustration pala si Bea na nais niyang tugunan. Isang pangarap na hindi niya maabot-abot dahil sa super hectic schedule.
Ibinahagi ng Kapuso actress ang pagkakaroon ng college degree ang isa sa itinuring niyang insecurities sa buhay. May plano pa si Bea na magtapos ng pag-aaral.
“Yes, I’m planning to, actually,” ang say ni Bea.
Sabi nga, pag gusto may paraan at ‘yan din ang naging inspirasyon ni Bea noong time na nagsisimula pa lang siya sa pagtupad ng pangarap na maging isang artista.
“Nag-umpisa ako extra- extra lang ako, walang lines. It was a rough start for me. Nakikisabay lang nga ako sa service sa taping kasi we didn’t have a car, so kahit na isang eksena lang ako kasi extra lang ako.
Tapos hindi namin alam kung saan kami kukuha ng taxi at that time wala namang mga car services na pwede mong tawagan via app right. So, noon wala, so we had to wait. Kung tapos na ako at 4 p.m. pack-up na dapat ako maghihintay kami hanggang 5 to 6am para makisabay sa service,” pagbabahagi pa ni Bea. (WALLY PERALTA)
