MARAMI ang naartehan sa “baby talk” ni Andrea Brillantes, bagay na hindi pinalampas ng bashers kaya dinumog ito ng puna at kutya sa social media.
Kumalat kamakailan ang isang video habang bumibili sa isang tindahan sa Siargao, nagsalita ng tila paslit si Andrea kung saan kasama niya ang dyowang si Ricci Rivero.
Agad nagpaliwanag ang aktres kaugnay sa kanyang viral “baby talk” video. Ayon kay Andrea, hindi niya ito sinasadya at natural na ito sa kanyang boses. Paliwanag pa ng aktres, hindi niya naranasan ang normal childhood at kulang siya sa pansin noong siya ay bata pa dahil siya ang bunso sa kanilang pamilya.
“Yung pagbe-baby talk ko na palaging nagte-trending, voice ko talaga siya pero hindi siya’yung napipili ko subconsciously. Bigla lang siya nagsi-switch kasi nu’ng bata ako kulang ako sa pansin, bunso ako then hindi ako lumaki sa parents ko – baby-baby talaga ako,” paliwanag pa ng aktres.
“Minsan saka ko na lang siya mare-realize’pag inaasar na ako ng tao na nagbe-baby talk ako.”
“Bumabalik at bumabalik talaga siya. Nababago ko lang siya kapag may role ako kasi trabaho ‘yon at kailangan,” she explained. “So feeling ko part talaga siya ng childhood ko na nawala.”
Naba-bash ang aktres dahil may mga naartehan o nakornihan sa paraan ng kanyang pagsasalita.
May mga nasabing Hindi na akma sa kanyang edad ang mag-baby talk, pero may nagsasabi ring wala silang nakikitang mali, sa halip kyut pa nga raw ang aktres.
Hindi naman daw nasasaktan o napipikon si Andrea pag kinukutya siya sa tila ibang paraan ng kanyang pananalita at tono nito. (JULIET PACOT)
