EENTRA si Utah Jazz guard Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas, sa paghahanda nito sa 2023 FIBA World Cup.
Inihayag ni Gilas coach Chot Reyes sa Play it Wright TV, sasama na ang NBA 6th Man na si Clarkson sa Gilas training sa Agosto 15 upang matutunan ang sistema at laro ng national team.
Kabilang sa magiging host ng 2023 FIBA World Cup ang Japan, Indonesia at Pilipinas.
Nabatid na posibleng maglaro sa Gilas sa fourth window sa Agosto 26 kontra Lebanon at Agosto 30 kontra Saudi Arabia, bilang naturalized player si Clarkson na ang ama ay isang Pilipino.
Unang nakasama ang NBA player sa Gilas noong 2018 Asian Games.
Samantala, humingi ng paumanhin sa publiko si Reyes dahil sa panibagong nakadidismayang performance ng national squad, na talsik na sa quarterfinals ng FIBA Asia Cup 2022.
Nabigo ang national team sa ilalim ni Reyes laban sa Japan at tumapos sa pang-siyam na pwesto lang sa torneo.
Ito ang kauna-unahang panalo ng Japan sa Pilipinas sa nakalipas na 12 taon o sapul noong 2010 Asian Games.
Nauna rito, naging tampulan din ng sisi si Reyes matapos mabigo ang Gilas na depensahan ang korona sa 31st Southeast Asian Games noong Mayo. (ANN ENCARNACION)
207 