Filipinas wala halos pahinga PRE-WORLD CUP 4-NATION TOURNEY PINAPLANTSA

Ni VT ROMANO

PLANO ng Philippine Football Federation (PFF) mag-host ng four-nation tournament sa Hunyo 2023, isang buwan bago mag-debut ang Filipinas sa FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa Australia at New Zealand.

Sinabi ni PFF President Mariano “Nonong” Araneta, ang goal nila ay upang masanay ang Pinay booters sa natural grass.

Gumawa ng history ang Filipinas nang sa unang pagkakataon ay nag-qualify sa FIFA Women’s World Cup matapos ang kanilang semifinal performance sa AFC Women’s Asian Cup 2022 noong Pebrero.

Unang beses din nag-podium finish (bronze medal) ang national women’s football team sa 31st Southeast Asian Games, at nagkampeon sa katatapos lang na AFF Women’s Championship.

Sa kabila ng mga tagumpay na ito, batid ng PFF na ibang level ang World Cup kaya nais nitong ipagpatuloy ng Filipinas ang preparasyon nila hanggang Hulyo 2023.

At nakikita ng pederasyong makakatulong sa Pinay booters ang pagsali sa friendlies at ­training camps sa bawat FIFA ­international window, kasama na ang four-nation tournament sa Hunyo.

“We’re looking at a grass pitch, natural grass, because they will be playing on natural grass in Australia and New Zealand,” pahayag ni Araneta sa ABS-CBN News. “We might invite some teams that have qualified for the World Cup to play here, which is not part of our group in the draw.”

Kabilang sa pinagpipiliang venue para sa four-nation tourney ang Bulacan at Clark, Pampanga dahil sa natural grass dito.

Ngunit lahat ay nasa ­planning stage pa lang, ayon pa kay ­Araneta.

206

Related posts

Leave a Comment