WILLIAMS ITINALI NG SUNS

WALANG plano ang Phoenix Suns na pakawalan ang kanilang Coach of the Year.

Ayon sa ulat, pumayag si Monty Williams sa long-term contract extension sa koponan. May nalalabi pang dalawang taon sa lumang kontrata ang naturang coach.

Ang Phoenix ay isa sa best teams sa NBA sapul nang hawakan ni Williams noong 2019.

Sa unang tatlong taon niya sa koponan, nagtala ang Suns ng 149-78 at 21-14 sa dalawang postseason appearances, kabilang ang NBA Finals run sa 2021, natapos sa 4-2 series loss laban sa Milwaukee Bucks.

Nagwagi si Williams ng NBA Coach of the Year (2021-22) season, isang taon nang talunin siya ni New York Knicks head coach Tom Thibodeau.

Dalawang beses napiling Coach of the Year ng National Basketball Coach’s Association, sa ilalim ni Williams lumabas ang husay ni Suns guard Devin Booker, napasama sa All-Star ng tatlong seasons at nag-average ng 26.3 points per game, 5.2 assists per game at 4.5 rebounds per game mula 2019.

Umangat din ang laro ni former No. 1 overall pick DeAndre Ayton, mananatili sa team matapos lumagda ng $133 million max contract at may average 16.3 points at 10.6 rebounds per game sa nakalipas na tatlong taon. (VT ROMANO)

177

Related posts

Leave a Comment