2022 PBA Philippine Cup TNT ABANTE SA SEMIS

Ni DENNIS INIGO

TNT Tropang Giga ang unang team na nakausad sa semifinals ng PBA 47th Season Philippine Cup matapos ilampaso ang Converge ­FiberXers, 116-95, kahapon sa ­Araneta Coliseum.

Armado ng 8-3 win-loss record sa pagtatapos ng eliminasyon at may twice-to-beat incentive sa quarterfinals, kailangan lang manalo ng isang beses ng TNT para upuan ang isang silya sa semis.

At bagama’t maganda ang ipinakita ng Converge, agad umabante sa playoffs sa unang pagsalang sa league’s first conference sa 5-6 record, hindi nito kinaya ang lakas ng defending champion.

Bago magsimula ang quarterfinals, pumirma si Mikey Williams ng three-year extension sa Tropang Giga, patunay na seryoso ang team na panghawakan ang titulo.

Makakaharap ng TNT sa semis ang mananalo sa pagitan ng Magnolia Hotshots at NLEX Road Warriors.

Panalo ang Hotshots sa unang game, 98-89, ngunit kung makakabawi ang Road Warriors ay magkakaroon sila ng decider game 3.

322

Related posts

Leave a Comment