(NI BERNARD TAGUINOD)
SINIMULAN na ng mga kinatawan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang negosasyon sa 2019 national budget para maihabol umano ang mga proyektong nakaprograma ngayong taon habang panahon ng tag-init.
Sa ambush interview, sinabi ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya na umaasa ang mga ito na maliwanagan ang mga senador sa kanilang pag-itemized upang mapirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget.
“Hopefully before the 29th of the monthy magkaron na ng budget. Hinahabol natin ang good weather (tag-init) window for infrastracture,” ani Andaya bago ang kanilang pulong sa mga kinatawan ng Senado.
Kasama ni Andaya sa nasabing negosasyon sina Albay Rep. Edcel Lagman at San Juan Rep. Ronaldo Zamora na pawang mga abogado at makakaharap ng mga ito ang mga kinatawan ng Senado na sina Senate Finance committee chairperson Loren Legarda, Sens. Panfilo “Ping” Lacson at Gregorio Honasan.
“The appointment of veteran lawyer-congressmen is in line with the Speaker’s instruction to observe four guideposts for the negotiation. They have to ensure that the 2019 GAA will not only be constitutional and legal, but must pass the test of transparency and accountability,” paliwanag naman ni House majority leader Fred Castro.
Muling pinandigan ni Andaya na walang mali at sumusunod lang umano ang mga ito sa kautusan ng Korte Suprema na e-itemize ang mga lumpsum budget upang malaman ng publiko kung saan gagamitin ang bawat sentimo ng kanilang binabayarang buwis bagay na hindi nagustuhan ng Senado dahil ginawa ito (pag-itemize) ng Kamara matapos ratipikahan ang national budget.
Ayon naman kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, umaasa ito na matatapos na ang deadlock sa national budget subalit nakapadepende pa rin umano ito kung magkasundo ang mga senador at congressmen sa pinal na bersyon kaya ayaw nitong magkatakda ng deadline kung kailan dapat tapusin ang negosasyon.
“No (walang deadline), it takes two to tango how can we have a time limit? It takes two to tango. But as soon as possible it’s what we like but we cannot put a deadline on the Senate,” ani Arroyo.
292