SECURITY PROTOCOLS SA PNP-CUSTODIAL CENTER PINAREREBISA

NAIS ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na rebisahin ng Philippine National Police ang security protocols sa kanilang custodial center matapos ang hostage taking incident kay dating Senador Leila de Lima.

Iginiit din ni Go na dapat magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa insidente upang pag-aralan ang security protocols dahil wala anyang dapat nasasaktan lalo na sa loob ng piitan dahil ito ay secured area.

Dapat din anyang matukoy kung sinu-sino ang nakakulong sa Custodial Center.

Samantala, maging si dating Senate Minority Leader Franklin Drilon ay iginiit na dapat marebisa ang polisiya sa loob ng Kampo Crame at alamin kung bakit may tatlong teroristang nakahalo sa bahagi ng detention cell ni de Lima.

Kasabay nito, hinimok din ni Drilon ang korte na payagan nang magpiyansa si de Lima sa pagpapaliwanag na hindi lamang pinagbibigyan ang petition for bail kung malakas ang kaso laban sa akusado.

Subalit sa kaso anya ni de Lima binawi na ng pangunahing testigo ang kanyang testimonya kaya’t maaari na rin anyang ikonsidera ang house arrest sa dating senador. (Dang Samson-Garcia)

161

Related posts

Leave a Comment