HEPE NG PNP CUSTODIAL CENTER SINIBAK

SINIBAK kahapon ni Philippine National Police (PNP) General Rodolfo Azurin Jr., ang hepe ng PNP Custodial Center kasunod ng tangkang pagtakas ng tatlong detainees at hostage-taking kay dating Senator Leila de Lima kamakalawa ng umaga.

Ni-relieve sa pwesto si Lt. Col. Patrick Ramillano habang iniimbestigahan kung ano ang mga pagkukulang o pagkakamali na humantong sa trahedya na ikinasawi ng tatlong detainees na pawang miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Naka-heightened alert pa rin ang buong Kampo Crame matapos ang insidente.

Aminado si Azurin na may pagkukulang sa ipinatupad na seguridad sa kanilang detention facility kung kaya’t nangyari ang hostage taking kay Senador de Lima.

Dahilan kaya ipinag-utos niya na silipin ang lahat ng security protocols upang hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.

Paiiralin na rin ang buddy-buddy system sa pagpapakain sa detainees. (JESSE KABEL)

193

Related posts

Leave a Comment