COVID-19 NAGIGING ENDEMIC NA – EXPERT

NAGIGING endemic na ang COVID-19 at ang sirkulasyon nito ay maihahalintulad sa sipon na hindi na tuluyang mawawala pa.

Pahayag ito ni Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvana.

Inamin ni Salvana sa Laging Handa public briefing na hindi na sila masyadong nakatutok pa sa bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19, sa halip ay mas pokus sila sa estado ng health care system.

Anoman aniya ang numerong lumabas na may kaugnayan sa bilang ng nagkaka-COVID, ang mahalaga aniya ay mild lang ang mga ito at hindi makapagbibigay ng problema sa health care system ng bansa.

Samantala, bagamat hindi na aniya gayon kataas ang naitatalang COVID cases ay makabubuti pa ring magsuot ng face mask.

Hindi lang naman aniya kasi ang COVID-19 ang nabibigyan na proteksiyon ng face mask kundi pananggalang din ito sa influenza at iba pang respiratory ailments. (CHRISTIAN DALE)

263

Related posts

Leave a Comment