ANTIPOLO CITY – Nakumpiska ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU), kasama ang PDEA Region 4A, at mga tauhan ng Antipolo City Police, ang P1.5 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation sa Brgy. San Roque, sa lungsod na ito, noong Miyerkoles ng gabi.
Base sa report ng Antipolo City Police, naaresto sa nasabing buy-bust operation sa kanyang bahay sa nabanggit na lugar ang high value individual (HVI) drug personality na si Lester De Borja, alyas “Kuya”.
Nakumpiska sa suspek ang 13 plastic ng tinatayang 13 kilo ng marijuana na may DDB value na P1,560,000, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon ng pulisya.
Nakakulong na ang suspek sa Antipolo City custodial facility at inihahanda na ang isasampang kaso laban dito. (NILOU DEL CARMEN)
