ACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA, SUMIPA SA 107

covid

LUMOBO sa 107 ang active COVID cases sa Valenzuela, ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Ayon sa CESU, hanggang 11:59 ng gabi noong Nobyembre 27 ay 16 sa mga aktibong kaso ay nasa isolation facility, anim ang nakaratay sa pagamutan at 85 ang naka-home quarantine.

Umakyat na sa 47,846 ang cumulative active cases sa lungsod matapos na siyam ang magpositibo sa virus, habang 46,748 ang recovered matapos na 11 ang gumaling, habang hindi naman nadagdagan ang pandemic death toll ng siyudad sa bilang na 991.

Kaugnay nito, hindi iilan ang nakapuna na sa mga post ng mga opisyal at kawani ng lungsod sa social media ng kanilang mga aktibidad, ay marami na sa mga ito ang muling nagsusuot ng face mask.

Hanggang 11:59 ng gabi noong Nobyembre 14, ay 50 na lamang ang active COVID cases sa lungsod, at nang mga panahong iyon ay halos wala nang pakialam o “wapakels” ang mga kawani’t opisyal ng lungsod sa pagsusuot ng face mask sa mga larawan nilang ipinapaskil. (ALAIN AJERO)

193

Related posts

Leave a Comment