HINDI TOTOONG MARAMING PINOY NA EMPLEYADO ANG POGO

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO, JR.

PARANG kamay ng Diyos ang “pandemic” ng Wuhan virus (COVID-19) na humawi sa Philippine Offshore ­Gaming Operations (POGO) sa pamamayagpag nito sa Subic Bay Freeport noong 2020.

Ito Ang Totoo: ­Napakaraming mga Pinoy, kapwa residente at negosyante, ang napalayas sa housing at business units dahil sa pagkopo ng mga Intsik na POGO “operators” na handang magbayad ng mas mataas, at CASH, hindi tseke o dumaraan pa sa bangko.

Meron ding mismong buong mga hotel na taliwas sa deklaradong negosyo na pagiging hotel, ay binayaran ng POGO para sa online na sugal. Ang resulta, kunwari “fully-booked” lagi pero ang totoo, ang mga kuwarto ay opisina na, tirahan pa ng libo-libong Intsik mula sa Tsina.

Ito Ang Totoo: Kahit na mga Intsik ang operator at mga ­empleyado ng POGO, ilegal ito sa “mainland China” kaya ilegal ang ginagawa ng mga ito na kinukunsinti naman dito sa Pilipinas.

At dahil karamihan sa mga mananaya “online” ay mga Intsik, kailangang Intsik din ang kausap ng mga ito “online” kaya ayun, dumagsa sa Pilipinas ang mga Intsik mula sa “mainland China”, at pati “airport” ay nagka-pasti-pastillas pa.

Ito Ang Totoo: Ignorante kung hindi tahasang sinungaling ang mga nagsasabing maraming Pinoy ang empleyado ng POGO.

Malimit pawang tagalinis ng kuwarto, at utus-utusan lang na Pinoy ang kailangan sa POGO kaya mangilan-ngilan lang ang Pinoy na empleyado ng mga ito na noong simula ng “pandemic” ay una pang pinagsisibak sa pwesto.

Nakailang hulihan din ng ­milyon-milyong halaga ng ­ilegal na droga ang nangyari sa panahon ng pamamayagpag ng POGO sa Subic Bay Freeport.

Ito Ang Totoo: Ok na na nakalos ng “pandemic” ang POGO sa Subic bagama’t meron pang mangilan-ngilan na hindi malaman kung ano ba talaga ang pinaggagagawa sa kasalukuyan.

Sana, tuluyan na itong mawala dahil sa masamang epekto sa mga Pilipino, mula sa mga paupa, gayundin ang maaaring kaugnayan nito sa ilegal na droga, bukod pa sa korapsyon sa iba’t ibang “level” ng burukrasya! Tama na! Ito Ang Totoo!

507

Related posts

Leave a Comment