2 CAMEROONIANS TIKLO SA FAKE US$500K

NALAGLAG sa pain ng Makati City Police k nitong Biyernes ng umaga sa isang resort sa Taguig City ang dalawang foreign nationals na sangkot sa pagpapakalat ng pekeng dolyar sa south Metro Manila.

Ayon kay Makati City Chief of Police P/Col. Robert R. Baesa, dalawang linggong minanmanan ng kanyang mga tauhan ang mga suspek na sina Marco Pierre Verrati at Jeff Jerry, kapwa Cameroonian nationals, upang makatiyak na sangkot at nag-o-operate ang mga ito sa pagpapalsipika ng US dollar money.

Nagsagawa ang mga operatiba ng test buy at nakabili kina Verrati at Jerry ng fake na dolyar gamit ang tunay na Philippine peso bill.

Sa inisyal na ulat, nakipagkasundo kina Verrati at Jerry ang police poseur buyer bago nagsagawa ng buy-bust operation sa Taguig na ikinadakip ng dalawang suspek at nakumpiska ang fake US$200K.

Sa follow-up operations ng mga pulis, nakakuha ng mahigit US$500,000 fake dollars sa Block 267, Lot 18, Target Range, Barangay Pembo, Makati City na tinutuluyan ng dalawang suspek sa halos anim na buwan.

Kasamang nakuha sa apartment ng dalawang suspek ang printer, chemical solution, powder at mga bulak sa paggawa ng pekeng dollars

“Modus ng mga ‘yan, magpapalit ng totoong dollars sa money changer, tapos switching (ng fake dollar)”, sabi ni P/Col. Baesa. (DAVE MEDINA)

277

Related posts

Leave a Comment