PUMANAW NA ANG INA NG STAR FOR ALL SEASONS

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD M. RAFER)

NAG-POST si Luis Manzano kamakalawa sa kanyang Facebook account ng: “RIP Mama Ganda.” Ang kanyang tinutukoy ay ang pagyao ng kanyang lola na si Mrs. Milagros Tuazon Santos o Mama Santos sa mga nakakakilala sa kanya sa showbiz. Siya ang beloved mother ni Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Ang alam lang namin na sakit ni Mama Santos ay Alzheimer’s disease at alagang-alaga ito ni Ate Vi at kanyang mga kapatid. May special nurse pa nga ito na nakabantay sa kanya.

Siyempre pa, sobrang lungkot ang Star for All Seasons dahil close siya sa kanyang mother. Nung nagkasakit ito, umiiyak si Ate Vi dahil hindi na siya nakikilala nito. May kuwento pa nga na minsang pumasok si Ate Vi sa kuwarto nito ay tinanong siya ng, “Sino ka?”

Mama Santos was 93 years old at siguro naman ay madali nang matatanggap ng pamilya ang pagyao nito dahil matagal naman nila itong nakasama.

Ayon sa isang nag-post ng tungkol sa huling paalam para kay Mama Santos, “Wake will be at Loyola Memorial Chapels in Sucat, Parañaque. Viewing will start on Wednesday, April 3.”

Naiwan ni Mama Santos ang mga anak na sina Emelyn, Vilma, Maritess, Winnie at Sonny.

Mula rito sa SAKSI NGA­YON, ang aming taos pusong pakikiramay sa buong pamilya.

# # #

Sa post ng manunulat at  direktor na si Ronaldo Carballo sa kanyang FB, nalaman namin na magsisimula na ang Sinag Maynila Independent Film Festival kung saan kasali ang pelikula niyang Jesusa among the 5 full-length film entries.

Ang Cannes best director na si Brillante Mendoza ang festival director.

Mapapanood ang 5 pelikulang kalahok sa Black Maria Cinema, Cinema ‘76 Film Society, Gateway Cineplex, at SM Cinemas. Magsisimula na ito sa April 4 at tatagal hanggang April 17.

Sa April 6 at 6pm ang gala night ng Jesusa sa Gateway Cineplex kung saan dadalo ang mga artistang kasali sa movie gaya nina Sylvia Sanchez, Ynez Veneracion, Allen Dizon, Fanny Serrano at marami pang iba.

Sabi ni Ronald, may bayad na P200 ang gala at walang VIP-VIP, kaya nahihiya siyang mag-invite. Pero sabi niya, kung gustong mapanood ang pelikula na ipinagmamalaki niya, then you should go and watch.

Magkakaalaman na kung sino ang pinakamahusay na pelikula, direktor, at artista sa awards night on April 7 sa Conrad Hotel.

 

161

Related posts

Leave a Comment