BATANGAS – Patay ang isang construction worker matapos na matabunan ng gumuhong lupa sa construction project sa Brgy. Bubuyan, sa bayan ng Mataas na Kahoy sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.
Ayon sa report ng Mataas na Kahoy Police, dakong alas-4:00 ng hapon, naghuhukay ang biktimang si Elmerto Tiosan ng drainage system sa bakanteng lote kasama ang isa pang worker na si Mario Valencia, nang biglang matibag ang mataas na bahagi ng lupa katabi ng kanilang hinuhukay.
Bunsod nito, natabunan ng makapal na lupa at mga bato ang dalawang construction worker.
Agad namang na-rescue ng mga barangay tanod ang biktimang si Valencia at isinugod sa ospital.
Samantala, wala nang buhay nang mahukay ang biktimang si Tiosan. (NILOU DEL CARMEN)
