WALA nang makakapigil sa mala-ambisyosong project na E-Palarong Pambansa na magsisimula sa June hanggang August ngayong taon.
Napakalaking event ang pakay ni Andy Lo, Founder Global CEO GEMA, and Jamar Montehermoso CEO ILO Esports & Project Lead, E-Palarong Pambansa, Remar Bayona, Head of Broadcast ILO Esports sa taunang event na magaganap nationwide.
Layunin ng project na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan sa malalayong lugar sa bansa na maipakita ang kanilang galing sa paglalaro ng iba`t ibang laro sa E-Sport, Video games atbp.
Nationwide ang event na bawat cities sa bansa ay hahanap ng winner at ang lahat ng naging winner sa parte ng North, South,Visayas at Mindanao ay maglalaban na siyang tatanghaling kauna-unahang winner ng E-Palarong Pambansa, na magaganap sa Iloilo.
Alam ng mga tao nasa likod ng event na marami silang haharapin na pagsubok para maging successful ang event na kung walang magiging problema ay magiging annual na ito magaganap sa bansa.
Ito na rin ang pagkakataon ng mga kabataan na may natatanging galing sa paglalaro ng ESport, E Games at video games na ipakita at ipamalas ang husay para maipakita sa kanilang mga magulang at kamag-anak na may katuturan din ang pagkahilig nila sa laro na para sa iba ay aksaya lang ng oras.
Sana ay suportahan ng gobyerno ang magandang hangarin ng mga taong nasa likod ng E-Palarong Pambansa. (GERRY OCAMPO)
1184