ITATAYONG CELLSITE TOWER ‘DI DAPAT IPASA SA CONSUMERS ANG GASTOS

cellsite12

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI dapat maging dahilan ng dagdag na gastos ng mga subscribers ng mga Telecommunication Companies (Telcos) ang mga itatayong cell sites tower na gagamitin ng mga nasabing kumpanya bilang common tower.

Ito ang ipinaalala ni House committee on information and communication technology chair Victor Yap sa Department of Information and Communication Technology (DICT).

“Ito po yung gusto nating ma-arrive at, to have a policy and the support of a legislative on the DICT kung saan tayo pupunta. In doing so, we should not come up with a policy that increases the cost for our consumers,” ani Yap.

Sa pagdinig ng komite ni Yap, hindi na dalawang tower company lamang ang magtatayo ng mga common tower tulad ng dating nais mangyari ni Presidential Adviser on Economic Affairs Ramon Jacinto, kundi 19 companies na kinabibilangan ng 14 international companies.

Ang mga nabanggit na bilang ng mga interesadong magtayo ng mga cell sites tower ay pumirma na umano ng memorandum of understanding (MOU) sa DICT, ayon kay acting Secretary Eliseo Rio.

Sinabi ng Kalihim na ang mga itatayong towers ay kailangan na kailangan umano para sa voice at internet dahil sa ngayon ay kayang kaya umano ng 18,000 tower ng dalawang Telcos sa kasalukuyan na magpadala ng bilyong text messages kada araw.

“We don’t need many towers to send off the equivalent of 1.4 billion text messages in one day kasi po yung isang tower, even a million texts can be sent off in a single tower in a few minutes. Dito natin naramdaman na kulang na kulang ang tower natin when the internet content came in, 3G, 4G and the content now is real time – voice” ani Rio.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

(NI BERNARD TAGUINOD)

 

KABABAIHAN NAESKANDALO SA ‘ARI’ NI DU30

 

NAESKANDALO ang grupo ng mga kababaihan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong ipagmalaki ang kanyang “ari” sa harap ng maraming tao.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, hindi interesado ang mga Filipino sa maselang parte ng katawan ni Duterte kundi sa kung papaano nitong tutugunan ang problema ng bayan.

“People should take offense that instead of the discussion of platforms and issues in political gatherings, we are stuck with a President wanting to just talk about his genital part,” ani Brosas.

Ayon sa lady solon, naghahanap ng kasagutan ang taumbayan sa mga political, economic at humanitarian crisis na nararasan ngayon ng mga kababaihan at hindi ang ipinagmamalaking ari ni Duterte.

Sa kampanya ng mga administration candidates sa Palawan, ipinagmalaki ni Duterte ang kanyang ari na naging international news at ginamit international media.

 

“This lewd act proves that this administration cannot offer answers and just out to continously fool the people with such baffoonery. This is also consistent with his open promotion of rape and sexual violence against women. Such disrepect to women and the voting public should not be tolerated,” pahayag ni Brosas.

Hindi rin nakikita ng lady solon na may kinalaman ang ari ni Duterte sa darating na eleksyon para gawin ipinagmalaki niya ito sa mga botanteng kanilang nililigawan.

 

361

Related posts

Leave a Comment