TANGKANG PAGPUSLIT NG 4 TARANTULAS NAPIGILAN NG BOC-NAIA

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang tangkang pag-smuggle ng 4 na tarantulas na walang kaukulang DENR permits at misdeclared bilang “Snacks – Sweet Salted Fish” sa Central Mail Exchange Center (CMEC) noong Hunyo 19, 2023.

Ang outbound parcel ay ipinadala ng isang sender mula Caloocan City patungo sa tatanggap nito sa Seoul, Korea via Express Mail Service ng Philippine Postal Corporation (Phlpost).

Sa pamamagitan ng pi­naigting na X-ray screening ng mga operatiba ng X-Ray Inspection Project (XIP), ang parcel ay na-tag bilang kahina-hinalang illegal goods base sa generated images.

Ang bahagi ay sinuri sa tulong ng mga operatiba mula sa Enforcement and Security Service-Environmental Protection and Compliance Division (ESS-EPCD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa NAIA.

Base sa lumabas sa pagsusuri, natuklasan na naglalaman ito ng 4 na tarantulas na paglabag sa RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Lahat ng tarantulas ay agad na nai-turnover sa DENR para sa safekeeping and monitoring, habang nakabinbin ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa nagpadala, at paghahain ng kaukulang seizure & forfeiture proceedings para sa paglabag sa Sections 117 at 1113 ng Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Kaugnay nito, ang BOC ay minamantina ang kanilang malakas na pakikipag-ugna­yan sa DENR laban sa wildlife smuggling.

Kasabay nito ang pagpapanatili na maging mapagmatyag sa pagmo-monitor sa import at export transactions ng mga hayop lalo na ang nanganganib at endangered species.

(JO CALIM)

180

Related posts

Leave a Comment