DAHIL sa maling pagparada, dalawang Chinese national ang natimbog ng nagpapatrulyang mga tauhan ng District Tactical Motorized Unit (DTMU) ng Manila Police District.
Nang sitahin, nalamang walang driver’s license at nakumpiskahan pa ng baril at pocket knife noong Linggo ng madaling araw sa panulukan ng Adriatico at Remedios Streets, Malate, Manila ang mga suspek na kinilalang sina Wu Fuwen, 35, at Liu Yan, 27, kapwa customer service crew, at nanunuluyan sa Bel-Air, Makati City.
(RENE CRISOSTOMO)
161