ANG BUHAY NGA NAMAN NG TAO

KAALAMAN Ni Mike Rosario

HINDI akalain ng limang kilalang mga tao na sakay ng TITAN Submersible, na huling biyahe na pala nila ang pagsisid sa kailaliman ng karagatan kung saan lumubog ang barkong Titanic.

Sina OceanGate CEO Stockton Rush, Shahzada Dawood, kanyang anak na si Suleman Dawood, Hamish Harding at Paul-Henri Nargeolet ay magkakasama sa loob ng TITAN Submersible na sumisid kamakailan para tignan ang lumubog na barkong Titanic, ilang dekada na ang nakalipas.

Tinatayang nasa 12,500 feet ang lalim ng kinaroroonan ng barkong Titanic na tinungo ng limang pasahero ng TITAN Submersible.

Buo ang loob ng mga pasaherong ito na walang mangyayaring masama sa kanila sa kanilang gagawing paglalakbay sa pusod ng kailaliman ng karagatan dahil maraming beses na pala itong ginawa ng TITAN Submersible, sakay ang iba pang pasahero.

Kung baga paulit-ulit na pala itong ginagawa ng submarine at maayos naman silang nakababalik sa ibabaw ng dagat.

Kaya naman tiwala ang limang pasahero, kasama na si Stockton Rush na CEO mismo ng kumpanyang OceanGate na nagmamay-ari ng TITAN Submersible, na magiging ligtas sila sa kailaliman ng karagatan.

Makalipas ang itinakdang oras na dapat babalik na ang limang pasahero ay hindi sila nakabalik kaya gumawa ng hakbang ang US Coast Guard para malaman ang nangyari sa mga pasahero.

‘Yun na nga, nakita ang ilang piraso ng TITAN Submersible sa 1,600 feet sa ilalim ng karagatan at ang five major fragments ay nakita sa 22-feet lalim.

Base sa sinabi ng US Coast Guard, maaaring sumabog ang submarine na naging dahilan ng pagkawasak nito.

Natagpuan na ang ilang piraso ng TITAN Submersible, subalit ang limang sakay nito ay hindi pa rin natatagpuan hanggang sa kasalukuyan.

Kaya maging mayaman ka o ano pa man ang kalagayan mo buhay, ay hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa ibabaw ng mundo.

Tulad ng limang pasahero ng TITAN Submersible, maaaring excited sila sa kanilang gagawin, subalit hindi nila alam na hindi pala sila makababalik sa kani-kanilang mga pamilya.

Kaya habang nabubuhay ang tao ay gawin na natin ang mabuti sa ating kapwa dahil hindi natin alam kung kailan tayo mawawala.

Ang pera o kayamanan ay hindi natin magagamit para makasiguro tayo na hindi malalagay sa kapahamakan ang ating buhay.

Ang tanging nakakaalam lamang ay walang iba kundi ang Panginoon natin na nasa langit. Ingat-ingat din minsan ‘pag may time.

367

Related posts

Leave a Comment