CAVITE – Tinatayang mahigit sa P4 milyong halaga ng hinihinalang dried marijuana fruiting tops ang nakumpiska matapos maaresto sa buy-bust operation ang dalawang hinihinalang tulak at nasa listahan ng High Value Individuals (HVI)s sa Bacoor City nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek na sina Christian Kyle Dueñas y Mejares, Rodolfo Bautista y Torres, kapwa nasa hustong edad at mga residente ng Bacoor City.
Ayon sa ulat, dakong alas-3:15 ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Bacoor City Police sa Brgy. Molino 1, Bacoor City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 38 kilos ng dried marijuana fruiting tops na may street value na P4,560,000, buy-bust money, isang cellphone, at isang motorsiklong walang plaka.
(SIGFRED ADSUARA)
