FPRRD, DOC ONG, ERWIN TULFO ‘TOP CHOICES’ SA 2025 SENATE RACE

BAGAMA’T bahagyang bumababa ang popularity rating, nangunguna pa rin si former President Rodrigo Duterte sa hanay ng mga pinagpipilian bilang kandidato sa darating na 2025 Senatorial race.

Lumabas sa PAHAYAG 2023 Second Quarter Survey (PQ2), si Duterte ay nakakuha ng 51% rating kumpara sa dating 55% rating, subalit siya pa rin ang ‘top choice in mind’ para sa nasabing halalan kasunod sina Doc Willie Ong at Erwin Tulfo, na kapwa nakakuha ng 44% popularity rating.

“Their consistent popularity demonstrates their strong appeal among the electorate.” Ang sabi pa ng PUBLiCUS Asia Inc., na siyang namahala ng naturang independent at non-commissioned survey, na isinagawa sa pagitan ng June 7-12, 2023 at mayroong 1,500 respondents.

Nasa fourth at fifth spots naman sina re-electionists Senator Bong Go at Senator Imee Marcos, na may tig-39%, kasunod si former Senate President Tito Sotto, na may 36% rating.

Ang iba pang inaasahang pumasok sa tinaguriang ‘Magic 12″ ay sina Senator Ronald Dela Rosa, former Senator Panfilo Lacson, former Presidential Spokesperson Harry Roque, former Vice President Leni Robredo at former Senator Francis Pangilinan.

Sinabi ng PUBLiCUS Asia Inc. na ang kanilang respondents ay pawang registered voters at mula sa market research panel ng higit sa 200,000 Pilipino na hawak ng PureSpectrum, isang US-based panel marketplace, na nakakalat sa National Capital Region (NCR), North Central Luzon, South Luzon, Visayas, at Mindanao.

328

Related posts

Leave a Comment