ALOK NA JOINT MILITARY EXERCISE NG CHINA PINABABASURA

PINAGHINAY-HINAY ng isang mambabatas sa Kamara ang gobyerno sa mungkahi ng China na magsagawa ng joint military exercise dahil wala ditong nakikitang pakinabang ang Pilipinas.

Bukod dito, sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, hangga’t hindi nagpapakita ng paggalang ang China ay hindi dapat magkaroon ng joint military exercise ang dalawang bansa lalo na’t isasagawa ito sa West Philippine Sea (WPS).

“China’s proposal for joint military exercises with the Philippines, as it would only serve the interests of China’s expansionist agenda,” babala ni Brosas.

Nagbabala ang kongresista na maikokompromiso ang soberenya at seguridad ng bansa kapag pinatulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang alok ng China na joint military exercise, kaya kailangang tablahin aniya ito ng Pangulo.

Hindi rin aniya katanggap-tanggap na magkaroon ng joint military exercise sa bansang tulad ng China na nanakop sa teritoryo ng Pilipinas sa WPS at nanghaharass sa Philippine Coast Guard (PCG) at mga mangingisdang Filipino.

Lalong hindi dapat aniyang magkaroon ng joint military exercise ang dalawang bansa dahil noong Hulyo 12, 2023 ay idineklara ng Chinese Embassy sa Manila na ‘illegal, null and void’ ang naipanalong kaso ng Pilipinas laban sa kanila sa Permanent Court of Arbitration hinggil sa WPS.

“Given the ongoing territorial disputes and the history of tensions in the region, we cannot allow these proposed military exercises to prosper. Engaging in joint military exercises with China could compromise our country’s sovereignty and perpetuate the unequal power dynamics in the region,” ayon sa mambabatas.

Gayunpaman, dismayado si Brosas dahil sa kabila ng pambabalahura ng China sa Pilipinas lalo na sa usapin ng WPS, ay ikinokosidera umano ni Marcos na magkaroon ng joint military exercise sa nasabing bansa.

“The fact that the Marcos Jr. administration is still considering entering a joint military exercises with China despite this is an outright disrespect towards the Filipino people,” dagdag pa ng mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

239

Related posts

Leave a Comment