Active cases lagpas 4K 22 TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA

UMABOT sa 22 ang namatay dahil sa sa COVID-19 sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area, ayon sa ulat ng health offices ng nasabing mga lungsod, habang umakyat na sa 4,044 ang active COVID cases.

Umabot sa 13 ang namatay dahil sa COVID-19 sa loob ng 72 oras, habang 351 ang nadagdag sa active cases sa Caloocan City.

Ayon sa Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit, mula sa 1,151 total deaths noong 5 pm ng Agosto 9, umakyat sa 1,164 ang COVID death toll sa lungsod noong 5 pm ng Agosto 12.

Mula naman sa 679 active cases noong 5 pm ng Agosto 9, lumobo sa 1,030 ang active cases noong 5 pm ng Agosto 12.

Pumalo na sa 41,319 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 39,125 na ang gumaling.

Anim naman ang namatay sa Valenzuela City hanggang 7 pm ng Agosto 12 at 1,200 ang active cases matapos na 205 ang gumaling ngunit 236 naman ang nagpositibo sa virus.

Sumampa na sa 23,485 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 21,701 na ang gumaling at 584 ang namatay.

Umakyat naman sa 494 ang pandemic fatalities sa Malabon City matapos na isang pasyente ang mamatay noong Agosto 12. Habang 69 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 15,116 ang positive cases sa lungsod, 745 dito ang active cases.

Umabot naman sa 80 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa sa kabuuan ay 13,877 ang recovered patients ng Malabon.

Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling sa Barangay Niugan dahil isang pasyente ang muling nagkaroon ng COVID-19 at tuluyang namatay. Mula 383 ay magiging 382 na lamang ang mga gumaling sa Barangay Niugan.

Hanggang 11:59 pm naman ng Agosto 11 ay 400 na ang COVID death toll ng Navotas City matapos na dalawang pasyente ang binawian ng buhay, at umakyat naman sa 1,069 ang active cases matapos na 150 ang nahawaan at 56 lamang ang makarekober.

Sumampa na sa 12,560 ang total COVID cases sa Navotas at 11,091 ang total recoveries. (ALAIN AJERO)

84

Related posts

Leave a Comment