AFP HANDA SA CONTINGENCY PLAN NG GOBYERNO PARA SA OFWs

TINIYAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa itong tumugon sa anomang contingency plan ng gobyerno kaugnay sa overseas Filipino workers na naiipit sa digmaan partikular sa Gitnang Silangan.

Nakahanda umano ang Sandatahang Lakas sa paglala ng tensyon sa Middle East, kasunod ng pagkamatay ng isang OFW sa isinagawang air raid ng Iran.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., may nakahandang contingency plan ang militar para protektahan ang OFWs lalo na sa paglilikas ng mga Pilipinong nasa mga conflict zone, kung kinakailangan.

Nakahanda umano ang mga C-130 aircraft at barko ng Navy kung kakailanganing magsagawa muli ng paglilikas.

Nilinaw pa ng heneral, tuloy-tuloy nilang nirerebisa at ina-update ng AFP ang kanilang operational plans upang masigurong epektibo ang implementasyon ng mga ito sa gitna ng mga bagong banta.

(JESSE RUIZ)

53

Related posts

Leave a Comment