AFP PINAGHAHANDA NI PDU30 SA MAS MAHIGPIT NA ECQ

PINAGHAHANDAAN na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mas mahigpit na implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Matatandaang sa naging talumpati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay pinaghahanda nito ang mga tauhan ng Sandatahang Lakas para sa pagpapatupad ng mas extensive na ECQ kung kaya’t tumatalima lamang dito ang mga tauhan ng AFP

Nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque .na walang Martial Law na mangyayari dahil alinsunod sa batas ay maaari naman talagang tawagin ang AFP kahit pa walang executive order ang Pangulo upang tumulong o umagapay sa mga sibilyan at mga pulis lalo na sa ganitong sitwasyon.

Sa ngayon aniya ay hindi pa ginagamit ni Pangulong Duterte ang kanyang extra ordinary power para atasan o i-deploy ang mga military.

Kung sakali man aniyang magdesisyon ang Punong Ehekutibo ay agad naman itong maglalabas ng kautusan o executive order para sa deployment ng mga military. CHRISTIAN DALE

 

463

Related posts

Leave a Comment