“AGILA” NATIVIDAD, BAGONG OMB CHAIR

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay dating Malolos City Mayor Atty. Christian “Agila” Natividad bilang miyembro at magiging kinatawan ng academe at bagong chairperson ng Optical Media Board (OMB).

Tatlong taon ang magiging termino ni Natividad.

Umaasa si Presidential spokesperson Harry Roque na ang pagkakatalaga kay Natividad ang magiging daan para maging matagumpay ang OMB lalo na sa paglaban sa optical media piracy at pagprotekta sa intellectual property rights sa digital form.

“We wish Mr. Natividad good luck in his new assignment,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, mismong si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang pormal na nagpanumpa sa tungkulin kay “Agila”.

Ang OMB na nasa ilalim ng Office of the President ay siyang nagre-regulate ng pag-manufacture at importasyon ng optical media products.

Kabilang sa mga humawak ng naturang puwesto ay sina Edu Manzano, Ronnie Ricketts at Sen. Bong Revilla.

Si Natividad ay nakilala bilang hall of famer awardee bilang Most Outstanding City Mayor at consistent awardee sa Seal of Good Housekeeping at sa pagpapanatili ng peace and order. (CHRISTIAN DALE)

158

Related posts

Leave a Comment