TULUYAN nang nawaglit ang karaniwang dahilan ng matagal na release ng air cargo sa pangunahing paliparan sa bansa bunsod ng unawaan sa pagitan ng Bureau of Customs at DHL Global Forwarding (Phils.), Inc.
Sa isang online discussion sa pagitan ng BOC at DHL, bumalangkas ng mga angkop na hakbang ang kanilang mga kinatawan sa layong pabilisin ang proseso sa pagkuha ng air cargo clearance.
Ayon sa BOC, hangad nilang paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa stakeholders at pagpapaunlad ng public service sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Ang online discussion ay pinamunuan ni BOC NAIA District Collector Carmelita M. Talusan , na nakasentro sa pagtitiyak ng seamless transaction sa proseso ng mga bagahe at maluwag na mga kargamento.
Kasama sa mga nakiisa sa ginanap na talakayan ang mga key personnel ng BOC-NAIA at DHL, kabilang sina DHL Value Added Service Head Marilyn Fernandez, DHL Head of Business
Development Haidee Olango, DHL Managing Director Yvone Lee, DHL Head Airfreight Judith Antaran, DHL Head of Marketing and Sales Juan Miguel Santamaria, DHL South Luzon and Cebu Station Manager John Paul Ornedo, DHL Licensed Customs Broker Alyssa Mari Mangubat at DHL Head of Business Customers Allan Mateo.
Sa nasabing online discussion, ang BOC-NAIA, sa pamamagitan ni NAIA-CCC Head Julius Herald Altiche, ay inilahad nito ang prosesong pinaiiral ng kanilang ahensya, partikular sa aspetong ‘online filing of goods declaration, polisiya at mga pagbabago ng BOC.
Sinundan naman ito ng pagtalakay sa kahalagahan at pamamaraan sa implementasyon ng Automated Bond Management System (ABMS) nina Atty. Vincent James V. Fajardo, Attorney III ng Bonds Division.
Nagbigay din ng kaalaman si DHL Value Added Service Head Marilyn Fernandez ng DHL Global at kanilang proseso.
Lubos naman ang pasalamat ni DHL Managing Director and Airfreight Head Yvonne Lee sa masugid na pakikipag-ugnayan ng BOC-NAIA sa mga stakeholders.
Tiniyak naman ng BOC-NAIA ang patuloy nilang pagpapalakas sa kanilang pakikipag-ugnayan sa stakeholders upang mapabuti ang kalakalan at serbisyo ng kanilang kawanihan.
(Joel O. Amongo)
222 