AIRBORNE TRANSMISSION NG COVID-19 POSIBLE

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa health experts ang pagpapaliwanag sa pahayag ng World Health Organization (WHO) na ang COVID-19 ay maaaring makuha sa pamamagitan ng hangin.

“We will be fully supportive of ideas based on science and hard data,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Habang tinatalakay aniya ng scientific community ang mode of transmission ng COVID-19, ay tinawagan naman ng pansin ng Malakanyang ang mga mamamayan na patuloy na sumunod sa minimum public health standards, gaya ng pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay at social distancing.

“Let us continue to protect people who are considered vulnerable, which include but not limited to our senior citizens, those with co-morbidities, pregnant women by staying at home to save lives,” ayon kay Sec. Roque.

Aniya, nagawa na ito ng mga Filipino noon nang 8 mula sa 10 katao ay naniniwala na ang “stay-at-home measures” ay sulit sa pagligtas sa buhay, ayon sa recent survey.

“We can do it again so together we can heal and recover as one,” ayon kay Sec. Roque. (CHRISTIAN DALE)

139

Related posts

Leave a Comment