All-Japan Senior and Masters Gymnastics GOLD, BRONZE KAY CALOY YULO

DALAWANG medalya (gold at bronze) ang naibulsa ni Filipino Olympian Carlos Yulo sa 2021 All Japan ­Senior and Masters Gymnastics ­Championships.

Nakopo ni Yulo ang gold sa floor exercise nang makakuha ng 15.30 points, habang bronze sa vault nang magtala ng 15.00 points.

Pinost sa Facebook ng kanyang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya ang latest achievement ng Pinoy gymnast matapos ang Tokyo Olympics campaign nito.

Nilagyan ni Kugimiya ang photo ni Yulo ng caption na: “#revenge the Tokyo”.

Matatandaang nabigo si Yulo na magawa ang kanyang routine sa paboritong floor exercise, dahilan sa maaga niyang pag-exit sa event.

Nakarating naman siya sa finals ng vault event, subalit kinapos mag-podium finish nang mag-fourth place lang.

178

Related posts

Leave a Comment