KUNG may nakinabang man sa bagong titulo na Vivamax Queen na ‘iniwan’ ni AJ Raval nang pagpasyahan nitong maglie-low sa intimate sexy movies, ito ay walang iba kundi si Angeli Khang.
Tulad ni AJ, may malakas na sex appeal si Angeli kung kaya halos lahat ng ginawa niyang pelikula sa Vivamax ay number one tulad na lang ng ‘Taya’, ‘Mahjong Nights’, ‘Eva’, ‘Silip sa Apoy’, ‘Pusoy’ at ‘Virgin Forest.’
Kung kaya hindi na nagdalawang-isip ang Vivamax na bigyan siya ng isang Vivamax Digital series ang,’Wag Mong Agawin Ang Akin’ kasama sina Arron Villaflor, Felix Roco, and Jamilla Obispo.
Streams via Vivamax starting July 31 and under the direction of Mcarthur C. Alejandre.
“Very happy or blessed, and hindi ko akalain na mag-iistay ako from the start, until here, puro top ‘yung mga movies na nagawa ko and over joyfulness. Gusto ko mas may gawin pa, I know na every movie, mayroon akong, maipakikita, and I want to stay. I’m happy actually,” say ni Angeli.
Inamin din ni Angeli na sa tuwing maghuhubad siya sa sexy scenes ay andun pa rin ang hiya sa kanyang pagtatanggal ng saplot sa katawan.
“Until now, it’s never easy for me to show my body, nahihiya pa rin talaga ako, parang hindi ako ready, hindi ako prepared na ganito’yung ginagawa ko,” dagdag pa ng aktres.
855