Apela ng solon sa DepEd TAMANG PAGBOTO ITURO SA KABATAAN

HINILING ng isang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Department of Education (DepEd) na turuan na ang mga kabataan kung papaano pumili ng mga kandidato na karapat-dapat mamuno sa bansa.

Ayon kay Deputy Speaker Bienvenido Abante, kailangang maturuan na ang mga kabataan sa elementarya at high school ng paraan sa pagpili ng mga kandidato para maihanda ang mga ito bago pa man sila makaboto pagdating nila sa edad na dise otso.

Sinabi ng mambabatas na pangunahin sa dapat ituro ng DepEd ay ibase ang pagboto sa 3 “C” ng mga kandidato o ang kanilang “competence, character, and credibility”.

Napakahalaga umanong maturuan ang mga kabataang ito sa pagpili ng maayos na kandidato ng bansa sa hinaharap dahil nakasalalay sa mga ito ang kinabukasan nila at ng bayan.

“History has shown as that when voters make the right choices, our nation is rewarded with competent elected officials––leaders who understand the problems facing the country and are capable of addressing these properly,” ayon pa sa mambabatas.

Kasabay nito, umapela si Abante sa DepEd at maging sa Commission on Higher Education (CHEd) na mangampanya at hikayatin ang mga eligible voter na magparehistro at bumoto sa 2022 elections. (BERNARD TAGUINOD)

463

Related posts

Leave a Comment